Paano kung wala ka na…sa Tim Hortons Part2
Dalawang beses nalaglag ang white jockey undies ni Kuya Joey, una sa front bumper…(oo nga pala itago na lang nating siyang sa pangalang Keanna) pangalawa sa rear bumper …wow kamukha niya si Vivian Velez from head to foot…..mga mata niya katulad ni Pops Fernandez at Hilda Koronel…at ang shoulder length na buhok niya ay kasing itim ng gabi at napakaganda ng kintab habang tinatamaan ng gintong araw na sumuwang sa bintana ng Tim Hortons…hindi magkamayaw ang mga katagang binibitiwan ni Kuya Joey…sa pagka-flawless ng chikababes na ito…mga tatlong balik din sa Tim Hortons si Kuya Joey bago napalagay ang loob ni Keanna kay kuya Joey..kaya eto me niyerbiyos na si kuya joey sa kakainom ng kape sa Tim Hortons at mataas ang kanyang blood sugar dahil sa sobrang tamis ng ngiti ni Keanna…hehehe
Nalaman ni kuya joey na dalaga pa si Keanna, galing sa Saudi na nurse at landed immigrant na sa Canada, she is just waiting for the results of her qualifying test sa nursing so she can work as a nurse in Canada, habang wala pa so eto..tagabigay siya ng kape sa Tim Hortons…. wala na sa kalendaryo (pasado trenta na) pero nasa lotto pa…at matindi pa ang asim ni Keanna, miski ilang sinigang pa …kayang paasimin ni Keanna..nasabi tuloy ni Kuya joey kay Keanna …siguro bulag yong mga nakikilalang mong mga lalake at mukhang hindi ka maligawan?…sabi niya umabot raw siya sa ganitong idad pero hindi pa raw niya nakikita yong lalaking magpapatibok ng puson niya…este puso…
Me naiisip si kuya joey…. ipakilala ko siya sa aking contract worker na junior engineer…si Hernan….napapangisi si Kuya Joey….mabangis sa babae si Hernan…
Itutuloy….